Buwan ng Wika


[𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗪𝗜𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔] Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong buwan ng Agosto, idinaos ng University of Southeastern Philippines (USeP) sa pamamagitan ng Office of Student Affairs and Services- Cultural Affairs Unit (OSAS-CAU) ang isang palatuntunan at pagtatanghal ng aktibidad pangkultura ng mga piling mag-aaral ng USeP sa huling Lunes ng buwan, August 27, 2024.

Pormal na pinasinayaan ni Dr. Arlene De Vera, Deputy Director ng OSAS-CAU, ang selebrasyon. “Bilang paggunita sa kalayaang nakamtan ng mga Pilipino, ipinagdiriwang taon-taon ang Buwan ng Wikang Pambansa,” ani ni Dr. De Vera.

Ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ay alinsunod sa itinakda ng Pampanguluhang Proklamasyon Bilang 1041, s. 1997, na nagpapahayag ng taunang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing 1-31 ng Agosto na pinangungunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Ang mga layunin ng pagdiriwang ay ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041; maiangat ang kamalayan ng mga mámamayáng Pilipino ukol sa wika at kasaysayan nitó; mahikayat ang iba’t ibang ahensiyang pampámahalaán at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nitó na nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko; maganyak ang mga mámamayáng Pilipino na pahalagahan ang mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa; at maipakilala sa mga mámamayáng Pilipino ang KWF bílang ahensiya ng pámahalaán na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga programang pangwika nitó.


By continuing to browse this website, you agree to the
University of Southeastern Philippines’ Data Privacy Statement.
The full text of The Statement can be accessed through this link.